Bakunang Tdap (Pertussis) 

Ang Tdap ay ang bakuna na nagbibigay ng proteksiyon laban sa pertussis (tuspirina).  

Arabic
Chinese
Korean
Spanish
English
Vietnamese

Ang pertussis (tuspirina) ay napakanakakahawang respiratoryong impeksiyon na maaaring makamatay sa mga batang bata, lalo na sa mga mas bata sa 1 taong gulang.  Nagsisimula ito sa mga sintomas na parang sipon at pagkatapos ay nagsasanhi ito ng napakatinding ubo. Ang pag-ubo ay maaaring maging napakalubha na maaaring mahirapan ang batang huminga. Dahil ang uhog mula sa impeksyon ay maaaring gawing mas makitid ang windpipe at hindi madaling dumaloy ang hangin, ang bata ay maaaring gumawa ng kakaibang "whooping" na tunog habang sinusubukan nilang makakuha ng hangin.   

Ang mga sanggol at mas batang bagong panganak ay maaaring malubhang magkasakit kung magkakaroon sila ng pertussis. Sa halip na umubo, maaari silang hingalin, mabulunan, o sumuka. Maaaring maging asul ang kulay ng kanilang balay dahil sa kakulangan sa oxygen. Maaaring maganap ang apnea (kapag huminto sa paghinga ang isang sanggol sa loob ng maikling panahon) at mga seizure ay maaaring maganap kung ang pag-ubo ay napakalala. 

Sa ilang mga sanggol, ang impeksyon ng tuspirina ay maaari ding makapasok sa kanilang mga baga, na nagiging sanhi ng pulmonya. Hanggang sa 50% ng mga batang may pulmonya mula sa tuspirina ay kailangang maipasok sa isang ospital para sa karagdagang paggamot, kabilang ang oxygen, at kung minsan ay kailangang ilagay sa isang makina upang matulungan silang huminga. Sa Estados Unidos, maliit na porsiyento ng mga nahawang sanggol ang namamatay bawat taon mula sa mga kumplikasyong kaugnay ng pertussis.   

  • Mayroong dalawang bakuna para sa pertussis na ibinibigay sa mga magkaibang edad at sa magkakaibang sitwasyon sa buhay:  

    1. Ang DTaP (dipterya, tetano, at pertussis) ay binibigay sa mga sanggol at mga bata. Pumoprotekta ito laban sa pertussis at dalawang iba pang malubhang sakit. Ang mga sanggol ay nakakakuha ng mga dosis ng DTaP sa edad na 2, 4, at 6 na buwan at pagkatapos ay mga booster sa 15–18 buwan at 4–6 na taon.  

    1. Ang Tdap (tetano, dipterya, at pertussis) ay isang booster shot. Binibigay ito sa mga sumusunod na tao:  

    • Mga batang nasa edad na 11–12 taong gulang 

    • Minsan man lang sa mga adult na hindi kailanman nagkaroon ng Tdap; maaari itong ibigay anumang oras, kailan man sila nagkaroon ng tetanus booster (Td) 

    • Mga buntis na kababaihan sa panahon ng bawat pagbubuntis   

  • Maaaring protektahan ng mga buntis na kababaihan ang kanilang mga sanggol bago ito ipanganak sa pamamagitan ng pagkuha ng Tdap sa panahon ng pagbubuntis. Ang mga sanggol ay hindi maaaring mabakunahan laban sa pertussis hanggang sa maging 2 buwang gulang sila. Kaya ang mga sanggol na ipinanganak sa mga ina na hindi nabakunahan sa panahon ng pagbubuntis ay hindi mapoprotektahan laban sa tuspirina hanggang sa makuha nila ang unang bakuna. Ang pagkuha ng bakuna sa Tdap sa panahon ng pagbubuntis ay makakabawas sa panganib ng mga sanggol na magkaroon ng tuspirina bago ang 2 buwan ng buhay ng halos 80%.    

  • Kapag nakakuha ka ng Tdap, ang iyong katawan ay agad na nagsisimulang gumawa ng mga pamproteksiyong antibody. Ito ang mga protinang ginawa ng iyong immune system na tina-target ang pertussis kung nalantad ka rito.  

    Ang mga antibody na ito ay pumapasok sa inunan at sa daluyan ng dugo ng iyong sanggol. Kapag ipinanganak ang iyong sanggol, magkakaroon siya ng sapat na antibody upang makatulong na maprotektahan siya laban sa pertussis hanggang sa oras na para makakuha ng bakuna sa edad na 2 buwan. Bagama't patuloy kang mapoprotektahan laban sa tuspirina pagkatapos ng pagbubuntis, ang mga antas ng antibodt na magagamit upang maipasa sa sanggol ay pinakamataas bago ipanganak. Ang pagkuha ng Tdap sa bawat pagbubuntis ay nagpapalakas ng iyong mga antibody upang mailipat ang maximum na dami nito sa iyong sanggol. Walang mga panganib na naiulat na may paulit-ulit na pagbabakuna sa Tdap sa mga adult.   

  • Ang pinakamagandang oras para makakuha ng Tdap ay sa pagitan ng 27 linggo hanggang 36 ng pagbubuntis. Inirerekomendang makuha mo ito nang maaga hangga't maaari sa loob ng panahong ito. Matutulungan ka ng ganitong timing na maipasa ang karamihang posibleng mga antibody sa fetus mo bago ka manganak. Subalit, ligtas kumuha ng Tdap sa anumang punto sa pagbubuntis mo.  

  • Oo. Ang pagbabakuna ng Tdap sa pagbubuntis ay napakaligtas. Ipinakita ng pananaliksik na ginawa sa nakalipas na 10 taon na ang pagkuha ng bakuna sa panahon ng pagbubuntis ay hindi nagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng mga problema sa pagbubuntis o depekto sa panganganak. Magbasa pa tungkol sa pangkaligtasang tala ng Tdap dito. 

  • Ang bakuna ay may napakakaunting side effect. Maaaring mangyari ang pananakit at pamumula kung saan ibinibigay ang iniksyon. Kung ang anumang pananakit, pamumula, o pamamaga ay tumagal nang lagpas sa ilang araw, makipag-ugnayan sa iyong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. 

Maiikling Kaalaman

  • Ang pertussis (tuspirina) ay isang nakakahawang sakit na nagdudulot ng malubhang ubo.  

  • Sa mga sanggol, maaari itong maging napakamalubha. Tinatayang kalahati ng mga sanggol na nagkakaroon ng pertussis ay napupunta sa ospital.  

  • Mayroong bakuna para sa pertussis, ngunit hindi ito makukuha ng mga sanggol hanggang na maging 2 buwang gulang sila. Maaari mong protektahan ang iyong bagong panganak sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng bakuna sa pertussis (Tdap) kapag ikaw ay buntis.  

  • Upang mabigyan ang iyong sanggol ng pinakamahusay na proteksyon, kailangan mong kumuha ng Tdap sa bawat pagbubuntis. Ang pinakamainam na oras ay sa pagitan ng 27 hanggang 36 na linggo ng pagbubuntis, mas mainam sa naunang bahagi ng yugto ng panahon na ito.  

  • Ang Tdap ay napatunayang ligtas sa panahon ng pagbubuntis. Hindi ito nagdudulot ng mga depekto sa panganganak o kumplikasyon sa pagbubuntis.     

Talasalitaan 


Mga Antibody: Mga protinang ginawa ng immune system bilang tugon sa isang sangkap mula sa labas ng katawan, tulad ng isang virus.   

Immune system: Ang mga selula at organ na nagpoprotekta sa katawan laban sa mga sangkap mula sa labas ng katawan, tulad ng mga bacteria at virus.   

Pertussis: Isang nakakahawang sakit na nagdudulot ng matinding pag-ubo at lalong malubha para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang. Tinatawag ding tuspirina.   

Inunan: Isang espesyal na organ na nabubuo sa panahon ng pagbubuntis. Pinapayagan nito ang paglipat ng mga sustansya, antibody, at oxygen sa fetus. Gumagawa din ito ng mga hormone na nagpapanatili sa pagbubuntis.    

 
Printable PDF

Ang dulugang ito ay suportado ng Society for Maternal-Fetal Medicine (SMFM) at ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) cooperative na kasunduan CDC-RFA-DD-23-0004 Enhancing Partnerships to Address Birth Defects, Infant Disorders and Related Conditions, and the Health of Pregnant and Postpartum People.  Ang mga pananaw na pinahiwatig ng mga may-akda ay hindi kailangang sumalamin sa mga opisyal na patakaran ng Department of Health and Human Services o kumakatawan sa pag-endorso ng Pamahalaan ng U.S..  

Huling In-update: Agosto 2025