
Mga Vector-Borne na Sakit at Pagbubuntis: Ano Ang Kailangang Malaman ng Mga Pasyente at ang Kanilang Mga Pamilya
Sa panahon ng pagbubuntis, mahalagang maging mas maingat tungkol sa ilang partikular na panganib sa kalusugan, kabilang ang mga sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga kagat ng insekto. Ang mga sakit na ito ay maaaring hindi karaniwan sa lahat ng dako, ngunit ang paglalakbay, mga pana-panahong pagbabago, at pagbabago ng klima ay maaaring magpapataas ng iyong mga pagkakataong malantad. Ang ilang mga impeksiyon ay maaaring maging mas malubha sa panahon ng pagbubuntis.
-
Ang mga sakit na vector-borne ay mga sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga kagat ng mga may impeksiyong insekto, tulad ng mga lamok, garapata, langaw, o pulgas. Ang mga insektong ito ay kumukuha ng mga virus o bacteria at ipinapasa ito sa mga tao kapag sila ay nakagat.
-
Ang ilang mga sakit na vector-borne ay maaaring makaapekto sa mga buntis na kababaihan, lalo na sa ilang bahagi ng mundo:
Ang dengue virus ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng may impeksiyong mga Aedes na lamok. Ito ay karaniwan sa mga tropikal at subtropikal na rehiyon at isa sa mga pinakakaraniwang sakit na vector-borne sa buong mundo. Maaari itong magdulot ng mataas na lagnat, pananakit ng katawan, at sa malalang kaso, pagdurugo at pagpapaospital.
Ang Zika virus ay dala din ng mga Aedes na lamok. Bilang karagdagan, maaari itong maipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik at mula sa ina hanggang sa fetus. Karamihan sa mga tao ay may banayad na sintomas o wala, ngunit ang Zika sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magdulot ng malubhang depekto sa panganganak.
Ang Oropouche virus ay nakakalat sa pamamagitan ng mga kagat ng mga napakaliit na mga langaw na tinatawag na midges. Ito ay matatagpuan sa Timog at Gitnang Amerika at Caribbean. Ang virus ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng lagnat, sakit ng ulo, at pananakit ng kasukasuan.
Ang Chikungunya virus ay kumakalat din sa pamamagitan ng kagat ng may impeksiyong Aedes na lamok. Nagdudulot ito ng lagnat at matinding pananakit ng kasukasuan na maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan.
-
Ang mga sakit na vector-borned ay nakukuha saanman sa mundo kung saan aktibo ang mga insektong nangangagat, lalo na sa mas maiinit na klima at sa mas maiinit na panahon. Sa United States, mas mataas ang iyong panganib sa panahon ng tagsibol, tag-araw, at unang bahagi ng taglagas, lalo na sa mga estado at hurisdiksyon na may mas maiinit na klima, gaya ng Florida, Texas, Southern California, Arizona, Hawaii, Puerto Rico at US Virgin Islands. Tumataas din ang panganib kapag naglalakbay sa mga tropikal na klima kung saan mas karaniwan ang mga sakit na ito, kabilang ang Central America, South America, Caribbean, bahagi ng Africa, at South/Southeast Asia.
Ngunit dahil sa mas maraming paglalakbay at pagbabago sa klima, ang ilan sa mga sakit na ito ay matatagpuan na ngayon sa mga lugar kung saan hindi pa sila nakikita noon. Gayundin, dahil ang mga Aedes na lamok ay maaaring magdala ng mahigit sa isang virus, posibleng mahawaan ng maraming sakit sa parehong oras o sa iba't ibang oras sa iyong buhay.
-
Oo. Ang ilang mga vector-borne na sakit ay maaaring humantong sa malubhang problema sa kalusugan sa panahon ng pagbubuntis. Halimbawa, ang impeksiyon sa dengue ay maaaring magpataas sa panganib ng pagkaka-ospital, matinding pagdurugo, o ang pangangailangan para sa intensive care. Ang iba pang mga sakit, tulad ng chikungunya at zika, ay kadalasang mas banayad ngunit maaari pa ring magdulot ng mga sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng kasukasuan, o pagkapagod, na maaaring mag-ambag sa mga komplikasyon sa pagbubuntis. Depende sa sakit, maaaring kabilang sa mga panganib ang preterm na kapanganakan, mababang timbang ng panganganak, patay na panganganak, o iba pang mga alalahanin na nauugnay sa panganganak.
-
Oo. Maraming mga vector-bourne na sakit ang maaaring maipasa mula sa buntis hanggang sa fetus. Tinatawag ito bilang congenital na impeksiyon. Sa ilang mga kaso, ang mga impeksiyong ito ay maaaring humantong sa mga depekto ng kapanganakan. Halimbawa, ang Zika virus ay na-link sa microcephaly, isang kondisyon kung saan ang utak ng fetus ay mas maliit kaysa sa normal. Ito ay maaaring magdulot ng pangmatagalang problema sa pag-unlad ng utak, pati na rin ang kapansanan sa pandinig at paningin at mga cognitive disorder.
Ang panganib ng mga depekto sa kapanganakan at ang kanilang kalubhaan ay maaaring mag-iba depende sa mga partikular na sakit at sa yugto ng pagbubuntis kung kailan naganap ang impeksiyon. Para sa higit pang impormasyon, maaari kang bumisita sa mga dulugan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa Chikungunya, Dengue, Oropouche, at Zika na mga virus.
-
Sa kasalukuyan, walang mga bakuna na magagamit upang maiwasan ang sakit na dulot ng Oropouche at Zika virus. Ang bakuna laban sa dengue, Dengvaxia, ay hindi makukuha sa Estados Unidos, at hindi ito inirerekomenda sa panahon ng pagbubuntis. Dahil sa mababang pandaigdigang demand, plano ng manufacturer na ihinto ang paggawa ng Dengvaxia sa huling bahagi ng 2026.
Mayroong dalawang bakuna na inaprubahan para maiwasan ang Chikungunya virus sa Estados Unidos: isang live-attenuated na bakuna (tinatawag na IXCHIQ) at isang parang virus na particle na bakuna (tinatawag na VIMKUNYA). Ang mga bakunang ito ay karaniwang hindi inirerekomenda sa panahon ng pagbubuntis ngunit maaaring isang opsyon pagkatapos ng panganganak o sa mga sitwasyon kung saan mataas ang panganib ng impeksiyon. Ang mga bagong rekomendasyon para sa bakunang VIMKUNYA sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay kasalukuyang sinusuri. Maaari kang makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung ang pagpapabakuna pagkatapos ng pagbubuntis ay tama para sa iyo, lalo na kung ikaw ay nakatira o nagpaplanong maglakbay sa mga lugar kung saan karaniwan ang chikungunya.
-
Gawin ang mga sumusunod na pag-iingat upang maprotektahan ang iyong sarili laban sa mga kagat ng mga vector na nagdadala ng sakit:
Bago Magbiyahe
Kapag gumagawa ng mga plano para sa internasyonal na biyahe, pumunta sa Listahan ng mga Destinasyon sa Pagbiyahe ng CDC para makita kung ang mga paghahanda sa pagbiyahe ay nirerekomenda para sa destinasyon ng interes mo.
Iwasan ang hindi mahalagang paglalakbay sa mga lugar na may mataas na peligro para sa mga vector-borne na sakit. Tingnan ang Mga Pangkalusugang Paunawa sa Pagbiyahe ng CDC para sa pinakabagong imormasyon.
Gamitin ang Pahina ng CDC sa Mga Buntis na Nagbibiyahe para sa mga payo sa pangkalahatang paghahanda.
Sa Panahon ng Pagbiyahe
Magsuot ng mahabang manggas at mahabang pantalon kapag nasa labas.
Magpahid ng nakarehistrong insect repellent sa Environmental Protection Agency (EPA) sa balat at damit.
Iwasan ang mga aktibidad sa labas sa panahon ng dapit-hapon at madaling araw kapag ang mga lamok ay pinaka-aktibo.
Bawasan ang pagkakalantad sa mga bukas na mapagkukunan ng tubig sa labas at sa bahay, na mga lugar ng pagpapadami ng mga vector.
Panatilihing nakasara ang iyong mga pinto o bintana o gumamit ng mga bentilador, kulambo, o mesh screen sa mga bintana at pinto upang maiwasan ang kontak sa mga vector.
Pagkatapos ng Biyahe
Kung magkakaroon ka ng anumang mga sintomas, tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kasukasuan, o pantal, magpatingin sa isang tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan sa lalong madaling panahon.
-
Ang isang paraan para protektahan ang iyong sarili ay ang paggamit ng mga insect repellent na nakarehistro sa EPA. Ang mga repellent na ito ay kapwa ligtas at epektibo, kahit na sa panahon ng pagbubuntis. Maghanap ng mga produktong naglalaman ng:
N, N-diethyl-meta-toluamide (DEET)
Langis ng lemon eucalyptus
Picaridin
Para-menthane-diol
IR353
Maaari kang makakita ng mga natural na produkto tulad ng mga wristband, lotion, patches, o kandila na gumagamit ng mahahalagang langis (gaya ng peppermint, citronella, rosemary, o lemongrass). Bagama't maaaring mukhang mas ligtas na mga opsyon ang mga ito, hindi ito nakarehistro sa EPA at hindi pa napatunayang nagbibigay ng proteksiyon laban sa sakit na dala ng lamok.
Dahil ang mga bakuna ay hindi magagamit para sa lahat ng mga sakit na dala ng vector, ang pagprotekta sa iyong sarili sa panahon ng pagbubuntis ay maaari ding isama ang pag-iwas sa hindi kinakailangang paglalakbay. Bago i-book ang mga biyahe mo, siguruhing suriin ang Mga Pangkalusugang Paunawa sa Pagbiyahe ng CDC, na makakapagbigay sa iyo ng impormasyon sa mga lugar na iiwasan sa pagbiyahe.
Maiikling Kaalaman
Ang mga vector-borne na sakit ay mga impeksiyong kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng insekto, tulad ng mga lamok, garapata, at langaw.
Ang mga vector-borne na sakit ay karaniwan sa mga tropikal at subtropikal na lugar, kabilang ang mga bahagi ng Central at South America, ang Caribbean, Africa, South/Southeast Asia, at ilang bahagi ng timog na Estados Unidos.
Ang ilang mga vector-borne na sakit ay maaaring magdulot ng malalalang problemang pangkalusugan sa pagbubuntis, maaaring maipasa mula sa babaeng buntis papunta sa fetus, at maaaring magdulot ng mga depekto sa pagkapanganak.
Sa kasalukuyan ay walang mga bakuna para sa Zika o Oropouche virus, at ang mga bakuna sa dengue at chikungunya ay karaniwang hindi inirerekomenda sa panahon ng pagbubuntis.
Maaari mong bawasan ang iyong panganib sa pamamagitan ng paggamit ng insect repellent na nakarehistro sa EPA, pagsusuot ng mahabang manggas at pantalon, at pag-iwas sa paglalakbay sa mga lugar na may mataas na peligro.
Talasalitaan
Congenital na impeksiyon: Isang impeksiyon na pinanganak ng isang sanggol, na ipinasa mula sa buntis patungo sa sanggol sa panahon ng pagbubuntis.
Mga cognitive na sakit: Mga kondisyong pangkalusugan na nakakaapekto sa kung paano ay nag-iisip, natututo, nakakaalala, o lumulutas ng mga problema ng isang tao.
Live-attenuated vaccine: Isang bakuna na naglalaman ng mahinang anyo ng virus o bacteria na nagdudulot ng sakit.
Microcephaly: Isang kondisyon kung saan ang ulo ng isang sanggol ay mas maliit kaysa sa normal, na maaaring mangyari dahil ang utak ay hindi lumaki nang maayos sa panahon ng pagbubuntis o tumigil sa paglaki pagkatapos ng kapanganakan.
Parang-virus-na particle na bakuna: Isang bakuna na naglalaman ng particle na kamukha ng virus na nagdudulot ng sakit ngunit hindi nagdudulot ng impeksyon.
Huling na-update: Agosto 2025
Ang dulugang ito ay suportado ng Society for Maternal-Fetal Medicine (SMFM) at ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) cooperative na kasunduan CDC-RFA-DD-23-0004 Enhancing Partnerships to Address Birth Defects, Infant Disorders and Related Conditions, and the Health of Pregnant and Postpartum People. Ang mga pananaw na pinahiwatig ng mga may-akda ay hindi kailangang sumalamin sa mga opisyal na patakaran ng Department of Health and Human Services o kumakatawan sa pag-endorso ng Pamahalaan ng U.S.